• Kabayan Magazine

PMP Man-made Paradise Farm Resort: LAYON SA ECOTOURISM

Updated: Aug 14, 2019

VOL. 1 NO.1 DECEMBER 2018

BY: MARY JANE GONZALES | PHOTOS BY: JEFFREY DORIA

Kung ang hanap ninyo ay sariwang hangin, luntiang paligid ng malagong puno't halaman at malayo sa gulo ng Maynila, may isang hindi kalayuang resort na maaaring tunay na stress reliever sa mga pagod sa gulo at ingay ng lungsod.

Ang hinahangad na positibong enerhiya ay maaring makamit sa aming natuklasan na PMP Man-made Paradise Farm Resort sa lalawigan ng Nueva Ecija, matatagpuan sa Barangay Nazareth, General Tinio Papapaya.

Ito ay may angking katahimikan, magandang tanawin, sariwang pananim at napapaligiran ng lawang maaaring pangisdaan. Isang Paraiso para sa kasiyahang pampamilya!


MAKABULUHANG ECOTOURISM NG PMP


Ang konsepto ng PMP sa 250 na ektaryang lupain ay para sa responsableng Turismo o paglakbay sa mga likas na lugar ng farm resort nila. Nilalayon nito na bigyan proteksiyon ang likas na kapaligiran, mga alagang tanim at hayop, at pag-ingatan ang kapakanan ng mga taong lokal, tauhan ng resort at mga bisita. Ito ang kakanyahan ng ecotourism.


THE LARGEST FARM RESORT IN REGION 3


Ang PMP ay ang pinakamalaking farm integration at ecotourism resort sa buong Region 3. Ito ang unang farm resort na kinilala o na-accredit ng Department of Tourism sa Nueva Ecija, Dagdag pa, ang farm resort ay binuo at nilinang ni Retired Philippine Major Pablo Pagtalunan. Sa loob ng 20 taon, nakapagpatubo siya ng higit sa isang milyong puno.

Ang farm resort ay may layuning protektahan, pahalagahan, at pag-aralan ang kalikasan ng mga taong lokal pati ng mga turista para sa ikabubuti ng buhay, ayon kay Ret. Major Pagtalunan. Ito ang kanyang adbokasiya.


Sa isang panayam sa kasalukuyang Operations Manager na si Mark Gadon, sinabi niyang, "This is a billion [peso] project...ang unang hangarin ni PMP ay mabuksan ang isipan ng mga pumupunta sa farm resort ukol sa inang kalikasan. Pangalawa ay makilala ang Nueva Ecija sa farm tourism, na hindi lang ito panay bukid, kundi may mahusay na ecotourism na makapagbabago ng maraming buhay."


10 ECO-DESTINATIONS UNDER ONE ROOF


May 10 destinasyon sa loob ng resort na may kapana-panabik na mga tema at angkop para sa mga interes at kagustuhan: Bahay Kubo, Farm Animals, Wild Animals, Gulayan, Dampa, Nursery, IBM (Ipil-ipil, Bamboo, Mango) Island, Jamboree, Chapel at CenterPoint.



Ang bawat ecotour ay may mga nakakatuwang aktibidad. Inirerekomenda ng resort ang mga ecotours para sa iba't ibang pangkat ng bisita. May mga akmang tema na nagbibigay sa mga bisita ng kawili-wiling pag-aaral at kasiya-siyang buong araw ng karanasan sa farm tour for kids, farm tour for adults, at sa farm tour for couples.



PLANT YOUR LEGACY


Isa na siguro sa makabuluhang gawain ay ang pagtatanim ng puno dahil ito ay pamana sa kinabukasan at tulong sa kalikasan. Magandang simulant ito sa Nursery na mayroong 11 ektaryang lupa na may tampok na Tree Planting Activity. Makikita dito ang pag-usbong ng mga halaman na may bakod at marka ng nagtanim. May pagtuturo din kung paano ang nararapat sa pagpapalago ng puno't halaman.

Malaking inspirasyon ang makakita ng malalagong halaman sa Gulayan, na kung saan maaring mag-fruit and vegetable picking.


GET ALONG WITH ANIMALS


Kung hindi man tao ay sari-saring hayop ang nakakasalubong sa PMP. Sa bahagi ng Farm Animals ay makikita ang mga itik na animo'y mga mananayaw sa isang malaking palabas.

Makakasalamuha din ang mga magiliw at masunuring tupa, maiingay na ganza, mahiyaing pato, pabolosang peacock o paboreal, makukupad na pagong, mapagmasid na ibon, at iba't ibang pang mga uri ng hayop. Samantala, maaari ding matutunan ang paggawa ng balot at itlog na maalat.




Sa ibang banda, mala-Lion King na pelikula naman ang tema ng Wild Animals dahil pinamumuguran ito ng maiilap na buwaya, ahas, unggoy at iba pa. [K]



152 views0 comments